ZingTruyen.Fan

M V Series 03 Killian Caballero





Hindi muna kinausap ni Carlos si Heaven habang pauwi siya sa hacienda Elizondo. Nakita niya ito kanina habang nasa biyahe siya pauwi malapit sa hotel ng kaibigan niyang si Killian na mukhang naghihintay ng masasakyan. At hindi man ito magsalita o magkuwento ay alam niyang may problema ito. He knew her because he saw her on the birthday of his friend Wilde at ito 'yong kasa-kasama ng isa pa niyang kaibigan na si Killian no'n. Ayaw pa nga sana nitong sumakay kanina sa kanya pero talagang nag-pumilit siya dahil mukhang wala ito sa sarili at baka mapano pa ito.


Hacienda Elizondo..

"P-Pasensiya ka na Misty at sumama pa talaga ako sa asawa mo papunta dito." Hingi ko ng paumanhin habang nandito kami sa likod bahay nila. Kalat na ang dilim dahil pasado alas sais na din naman ng gabi. Hindi ko rin alam kung bakit sumama ako kay Carlos kanina pero parang hindi ko pa kayang umuwi kung ganito lang din ang sitwasyon ko. Oo isang beses ko pa lang sila nakita at nakausap na mag-asawa pero heto at nandito ako sa kanila. 



Tiningnan naman ni Misty Faith si Carlos, hindi rin niya alam na may kasama ang asawa niya pauwi dito sa hacienda. Tinawagan na din niya si Jesylyn at sinabi nga na nandito si Heaven at papunta na nga din daw ito dito. Ngumiti siya para gumaan-gaan man lang ang pakiramdam ng dalaga, hindi pa nito nakukuwento kung ano ba ang talagang nangyari pero may naiisip na rin siya gaya ng asawa. 



"Walang problema sa amin 'yon Heaven saka kaibigan ka ng kaibigan namin kaya kaibigan ka na rin namin ni Carlos." Ani ni Misty. 



Tiningnan ko silang dalawa, naikuwento na sa akin ni Jesylyn kung paano nagkakilala ang dalawang 'to at parang nakakatuwa lang isipin na gano'n ang istorya nilang dalawa. Na sa huli ay sila pa din, pero sa amin ni Killian ay malabo ang gano'n lalo pa at niloko niya ako at hindi niya sinabi sa akin ang totoo. At kahit anong isip pa ang gawin ko ay isa lang ang sigurado ako, 'yon ang ginawa akong kabit ni Killian.



"H-Hindi ko alam na niloloko pala ako ni Killian, d-diba kaibigan mo siya Carlos? So ibig sabihin alam mo din na may asawa siya?" Sabi ko, kasi sila talaga ang magkakaibigan. Itong si Carlos, si congressman at saka si Killian. Tapos 'yong kapatid pa daw ni congressman na siyang kausap ko no'n sa club, sila-sila ang magkakaibigan at siguro alam din nila ang totoo na kasal pala ang kaibigan nila. Pero bakit gano'n? Walang nagsabi sa akin?



Napa-ubo naman si Carlos sa sinabi na 'yon ng dalaga na kaharap nila, pero sasabihin niya lang din siyempre ang alam niya. "Honestly maniwala ka sa kin o hindi pero kailan lang din namin nalaman ang tungkol diyan Heaven. Na pati kami ay hindi makapaniwala na sa aming magkakaibigan ay nauna pa pala siyang ikasal dahil ang buong akala ko ay ako ang nauna. And I just knew you recently sa birthday ni Kapitana and of course hindi ko naman ikukuwento ang personal na buhay ng kaibigan ko sa kung sino agad-agad. Beside ayokong mang-himasok sa problema ng iba." Pag-amin niya dito, dahil maski nga silang magkakaibigan ay hindi din talaga makapaniwala na nauna na pa lang maikasal ang kaibigan nilang si Killian. 



He has point, at hindi ko rin naman siya puwedeng sisihin na hindi niya sinabi sa akin ang tungkol kay Killian dahil isang beses ko pa nga lang siya nakita at 'yon nga ay noong birthday ni Jesylyn. "Narinig ko ang pag-uusap kanina ni Killian at saka ng a-asawa niya, at parang hindi ko lang matanggap na all this time ay niloloko niya lang pala ako." 





Nakaramdam naman ng awa si Misty dahil kung siya siguro ang nasa posisyon ni heaven ay baka ganito din siya ngayon. Kaya naman sinamaan niya ng tingin ang asawa na katabi niya lang. "Salbahe pala 'yang kaibigan mong 'yon, diba hindi maganda ang nangloloko ng kapwa?" Nakataas na sabi niya kay Carlos.



Hinawakan agad ni Carlos ang kamay ng asawa, bakit parang pati ako nasama? "Hindi ko rin alam ang tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa Misty, saka hindi naman na bata si Killian para hindi malaman ang tama at mali."



Kung sa bagay tama siya, sa isip-isip ni Misty Faith. "Pero nag-usap na ba kayo ng Killian na 'yon? Anong sinabi sa 'yo? Nag-sinungaling 'yan siyempre." Sabi niya kay Heaven ng tingnan ito ulit. 



"Basta ang narinig ko kanina na pag-uusap nila ng asawa niya ay nag-file nga daw ng annulment itong si Killian at 'yon na nga lang daw ang hinihintay niya para maging okay daw ang lahat." Kuwento ko naman, rinig na rinig ko pa naman kanina na galit 'yong babae habang kausap nga si Killian sa office nito. Na para bang ayaw niyang hiwalayan siya ni Killian pero wala rin itong nagawa dahil pumirma nga ito sa annulment nila. Pero kahit gano'n pa man ay mali pa din, dahil kasal na tao si Killian ng mga oras at araw na magkasama kaming dalawa. 



"Hindi ko alam kung anong masasabi ko pero alam kong may kasalanan talaga ang kaibigan ko, at hindi rin naman ako 'yong tipo ng tao na mangungusinti lalo na kung alam kong mali din talaga." Sabi pa ni Carlos na ang tingin ay nasa direksyon ng parating na sasakyan at kilala niya kung kanino 'yon. Sasakyan ito ng kaibigan niyang si Wilde Hawk at malamang sa malamang ay kasama na nito ang asawang si Jesylyn. 





    Pagkakita pa lang ni Jesylyn kay Heaven ay agad na niya itong niyakap. Parang kanina lang ay kasama niya ito at kinikilig-kilig pa siya sa love story ng dalawa pero hanggang do'n na lang pala 'yon dahil nga sa nalaman nitong si Heaven. Nagtalo pa nga sila kaninang mag-asawa habang papunta sila dito at muntik ngang siya lang ang magpunta dito sa hacienda dahil sa inis niya. Pero dahil buntis siya ay hindi naman ito pumayag na umalis siya at magmaneho mag-isa kaya ang siste ay hindi sila nagpapansinan mag-asawa habang nasa biyahe. 



"Nahihiya ako sa Heaven sa totoo lang, I mean hindi siguro lalala ang kung anong mero'n sa inyo ng prof na 'yon kung hindi ka namin tinulungan nitong asawa ko na makapag-apply ng trabaho sa lalaking 'yon." Jesylyn feels sorry to her, dahil parang naging susi pa silang mag-asawa kung bakit mas lalong nagkalapit si Heaven at ang lintek na kaibigan ng asawa niya. Pero ang mas kinakainis niya pa lalo ay hindi sinabi sa kanya ni Wilde na ito pala mismo ang nag-aayos ng annulment ng Killian na 'yon, kaya hindi pa din sila tapos magtuos mag-asawa. Her husband should tell about it at hindi nito dapat tinago sa kanya ang tungkol doon. 





Tiningnan ko si congressman dahil ngayong nandito siya ay marami akong gustong itanong ngayon sa kanya lalo na kung kailan niya pa alam ang tungkol sa pagkakaroon ng asawa ni Killian. Dahil dapat sinabi man lang nito sa akin ang tungkol doon. 





Sila Carlos naman at Wilde na ang magkatabi ngayon at nakatingin lang at nakikinig sa tatlong babae na magkakatabi at nag-uusap. At isa lang ang sigurado nilang dalawa ngayon pati sila ay madadamay sa problema ni Killian. 







Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Fan