ZingTruyen.Fan

M V Series 03 Killian Caballero




To Miss Heaven salamat sa pagpapahiram ng pangalan mo!😘 excited na ko sa story na 'to, bakbakan 'to!



Tiningnan ko ang mga taong narito sa loob ng club na pinagta-trabahuan ko, kaunti na lang at hindi na ako magtatrabaho pa dito. At kaunti na lang din ang hihintayin ko para hindi ko na kailangang sumayaw pa dito sa ibabaw na entablado at sa harapan ng mga lalaking animo'y mga tigre kapag nakakakita ng babaeng sumasayaw. I am Heaven Bonto and graduating hotel and restaurant management student in Northern Philippines University, sariling sikap kung bakit ako nakapag-aral sa kolehiyo dahil wala namang regular na trabaho ang nanay ko idagdag pa na may isa pa akong kapatid na nag-aaral din. Ang masayang buhay at maginhawa na mero'n kami ay nawala noong mamatay ang tatay ko sa isang aksidente sa barko kung saan siya nagtatrabaho. Kaya naman sa murang edad na disi syete ay kinailangan ko ng magbanat ng buto hindi lang para makapag-aral kung hindi para sa kapatid ko at nanay ko na kailangan ako. 



I'm never gonna dance again

Guilty feel have got no rhythm 

Though it easy to pretend

I know you're not a fool



Heaven sway her hips as she enjoy the music playing inside of the bar. Dati gandang-ganda siya sa kantang Carless whisper ni George Micheal pero ang kantang 'to din kase ang madalas patugtugin kapag sumasayaw siya dito sa club. Na kahit ang tagal na ng tugtog na ito ay iba pa din talaga ang dala na kung ano sa mga nakakarinig. Kailangan niyang galingan dahil kailangan niyang mabayaran ang 90 thousands pesos na tuition fee niya na natambak simula noong first sem siya ngayong 4th year college.







At dito niya mahahanap ang pang-bayad na 'yon, dito sa club kung saan isa siya sa madalas puntahan ng mga costumer at binabalik-balikan. Hindi din naman kase siya sa pipitsugin na club nagtatrabaho at mga big time ang costumer na nagpupunta dito. Hindi biro ang gano'n kalaking halaga na kailangan niyang bunuin lalo na sa katulad niya na maraming bayarin sa buhay. Pero gagawin niya ang lahat para makatapos sa pag-aaral at mabayaran 'yon dahil 'yon ang magiging susi para matupad niya ang mga pangarap niya. 





I should've know better than to cheat a friend

And waste the chance that I'd been given

So I'm never gonna dance again

The way I danced with you, ohhh




Hanggang sa marinig niya ang hiyawan ng mga lalaking parokyano na naroon ng tanggalin niya ang manipis na takip sa ibabaw ng suot niya. Doon nakita ang maputi at malulusog na dibdib ni Heaven pero hindi naman siya talaga nagsasayaw ng hubo't-hubad at tanging mga ganitong patakam lang ang ginagawa niya. Meroon mga lalaki na naghagis sa kanya ng pera, mero'n din naman lumapit pa talaga sa kanya at siniksik sa suot niyang bra ang makapal din na bungkos ng papel na pera na sa tingin niya ay tig lilimang daang piso. At doon din niya naramdaman ang pasimpleng hawak at pisil sa katawan niya ng mga kalalakihan na nagbibigay sa kanya. Hindi na lang niya pinapansin 'yon at nilulunok na lang ang pride dahil hanggang hawak at hipo lang naman ang magagawa ng mga ito sa kanya. Pero kahit anong giling pa ng sayaw ang gawin niya ay hindi na mababago ang katotohanan na kailangan niyang gawin ang isang desisyon na hindi sana niya nanainisin. At 'yon ay pumayag na makipagtalik sa isang costumer at makipag-negosasyon sa gusto niyang halaga ng pera. 



Oo kumikita siya dito pero hindi naman 'yon kalakihan lalo pa at tatlong beses sa isang Linggo lang naman siya pumapasok dito sa club. Kaya naman nakapag-desisyon na din siya, tatanggap siya ng bayad kapalit ng isang gabing pakikipagtalik para matapos na ang problema niya. At sana mangyari na nga ang gabing 'yon ng sa gano'n ay wala na siyang isipin.





We could have been so good together

We could have lived this dance forever

But now who's gonna dance with me?

Please stay..






   "No, no, no shit!" Napahawak na lang si Killian sa beywang ng isara na ng kaibigan niyang si Dax Cyrus ang pintuan ng hotel room na pinagdalhan nito sa kanya. Kung bakit kase sumama pa siya sa walanghiyang 'yon? They went on a club in the city proper, at dahil matagal na din niyang hindi ito nakita ay sumama siya at nagkainuman nga sila dito sa club na pinuntahan nilang magkaibigan. Sayang nga lang at wala ang kapatid nito na si Wilde na bagong kasal nga at siyang  talagang kaibigan niya pati na ang isa pa na haciendero sa Colores na si Carlos. Kumbaga saling kitkit lang itong si Dax sa kanila dahil hindi naman nila ito kaedad. Pero sa kanilang magkakaibigan ay ito talaga ang mahilig sa mga ganito at ito lang din ang kung anu-anong kalokohan ang ginagawa gaya nito. 





Dumako ang tingin ni Killian sa loob ng kuwarto, malaki 'yon at malawak. nasa ilalim kase ng hotel na ito ang club na pinuntahan nila kanina. At hindi niya alam kung bakit hinaltak siya ng kaibigan papunta dito samantalang masaya naman silang nagkukuwentuhan kaninang dalawa. Pero mukhang may ideya na siya kung bakit at 'yon ang dalhan siya ng babae, nakursunadahan niya kase kanina ang sumasayaw sa entablado at nasabi nga na ang galing nitong sumayaw dahil 'yon din naman talaga ang totoo.






 This is not actually the first time he went on a club, pero may kakaiba kanina habang nandoon sila. O baka kase nandoon ang pakiramdam na parang gusto niya makita ang itsura ng sumasayaw kanina? Kung maganda ba ito at hindi lang magaling gumiling sa ibabaw ng stage. He's just interested what the woman looks like because it was cover of a thin fabric sheet na para bang nagdala ng hindi maipaliwanag na kung ano sa kanya. Pero hanggang doon lang 'yon dahil kahit sabihin na hindi naman sila ayos ng asawa na si Cinzia ay hindi naman ibig sabihin na puwede siyang mangbabae. He's still a married man, pero hindi nga lang ito alam ni Dax o ng iba pa nilang kaibigan kaya siguro akala nito ay ayos lang ang ginawa nito sa kanya ngayon. Kaya naman kakausapin na lang niya kapag may dinala itong babae dito mamaya. 




   "Ano papayag ka na ba Heaven? Aba hindi ka makakakita ng 250 thousands sa isang gabi lang." Tanong ng floor manager sa isa sa starlet nila sa club. Starlet kase napupuno talaga ang club nila kapag ito na ang nagpe-perform at kapag gano'n ay isa lang ang ibig sabihin malaking pera ang siguradong papasok sa club. 


Tiningnan ko naman ang hawak-hawak kong pera, ganito lang pala karami ang 250 thousands pesos na wala man lang kalahating dangkal. Pero tama si Sir Jace hindi basta-basta makakakita ng ganitong kalaking halaga ang isang katulad ko. At kapag pumayag ako sa kanya at dito sa lalaking nagpakilalang Dax ang pangalan ay mababayaran ko na ang tuition fee ko sa eskuwelahan. 


"Lasing ang kaibigan ko Miss so ikaw ng bahala sa kanya. Baka nga tulog na 'yon eh." Sabi pa ni Dax na nag bilang ulit ng pera. 20 thousands naman ang binigay niya sa floor manager. "Oh para sa 'yo kapag pumayag itong si Miss beautiful."


Tiningnan naman ng nag-ngangalang Jace si Heaven na para bang sinasabi na pumayag na ito, dahil ito na 'yong pinag-usapan nilang dalawa noong nakaraan. Nagsabi na kase sa kanya ang dalaga na kailangan nga nito ng malaking halaga ng pera at sabi naman niya ay hahanapan niya ito ng mayamang costumer at ito na nga yata 'yon. 


Muli kong tiningnan ang pera na hawak ko, kapag nag-oo ako ngayon ay tiyak na mababayaran ko na talaga ang tuition fee ko sa school. At wala na din akong iisipin pa na dapat kong bayaran at may sobra pa. 





"Pumayag ka na Heaven sayang naman 'to." Sabi pa ulit ng floor manager na hinawakan na sa braso ang dalaga. 





Bumuntong hininga ako ng malalim at tiningnan silang dalawa. Hindi ko nakita ang sinasabing kaibigan nitong lalaki na costumer din dito sa club kanina pero sana nga lasing na 'to gaya ng sinasabi niya. "S-Sige na nga payag na ako."





"Yown, thank you Miss beautiful." Ngiting-ngiti na sabi ni Dax, siguradong mapapasabak ang kaibigan niya ngayong gabi at siguradong magpapasalamat pa ito sa kanya bukas. 






Next update will be on my Monday! Pag excited kayo na lang tumuloy nito😆




#maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Fan